I
Noong isang araw,
Habang binabagtas ko ang daan patungo sa aking laboratoryo,
Bigla akong napatigil sa paglalakad kahit sobrang tindi na ng aking kalamigan,
Alam mo ba ang dahilan?
May nakita akong isang napakagandang paru-paro sa gitna ng snow!
Paru-paro sa gitna ng snow!
Wow! Ang una kong nasabe.
Manghang-mangha ako, dahil napakaimpossible.
Batid naman nating lahat,
Na ang paru-paro'y t'wing tagsibol at tag-init lang nagkalat.
Kung mangyari man ito,
Karaniwan ay tagsibol na ng marso.
Pero ngayon pa lang ay Pebrero,
Kasagsagan pa ng walang tigil na pagbagsak ng snow.
O anong rikit nitong aking natunghayan,
Tila isang painting sa gitna ng nakaframe na puting larawan.
Sobrang galak na galak ako, halos matimang sa aking nasaksihan.
Di iniinda ang labis na tindi ng yaring kaginawan.
Sa aking kahangalan, ay di ko napigilan.
Paru-paro'y aking tuluyang hinawakan.
Biglang bumalik ako sa aking katinuan.
Paru-paro pala'y sa mundo na'y lumisan.
Mula ngayon, aking patuloy aalahanin,
Na minsan sa isang taglamig, ako'y di sinasadyang umibig.
Tulad nitong paru-parong impossibleng maangkin.
Pero mapusok ko pa ring kinabig.
Paru-parong giliw, anong nangyari?
II
Patawad kung ang iniisip mo ay inibig kita dahil sa'yong career,
Patawad kung para sa iyo lahat ito'y mali
Ako ay nagmahal hindi dahil sa propesyon mo,
Ito ay dahil sa una pa lang ako ay nabihag mo.
Patawad sa kapusukan,
Patawad sa katangahan,
Patawad sa kahangalan,
Puso ko'y tunay na umibig sayo hirang.
Patawad sa mga tahimik na sandali,
Patawad kung pangako ay nabali,
Patawad sa mga masasakit kong nasabi,
Patawad sa damdaming di ko nakubli.
Patawad kong di ako ang yong naging lakas,
Sa gitna ng lahat ng surilanin mong namamalas,
Patawad kung pinilit kong maging iyong kalasag,
Kahit na ang totoo, loob ko'y lasog at lasag.
Patawad kung ang mga payo kong nagmukhang drama
Patawad kung ito'y parang ingay sa iyong tenga
Patawad kung ako sayo'y naging pasakit at abala,
Patawad kung sa problema mo, ako'y nagpalala.
Patawad kung sa loob ng mahabang panahon,
Di tayo pinagtagpo ng panahon,
Kahit ang puso natin ay pinagbigyang saglit,
Para kakaibang pag-ibig ay masulit.
Patawad muli.
III
Salamat sa sandaling kasiyahan,
Ako ngayo'y walang pinagsisisihan.
Sa tagal ng puso kong nalumbay at nahibang,
Sa isang taglamig at pasko, ako'y nabuhayan.
Salamat sa kilig na talaga namang ako'y napapangiti.
Sa mga nagdaang umaga't gabi
talagang tinig mula sa iyong labi
Ang aking walang ibang minimithi.
Salamat sa pagbibigay pag-asa,
Nung ako ay halos lumung-lumo, dumating ka sinta,
Salamat sa pagtanggap sa akin,
Sa kabila nitong sumpang sakit na suliranin.
Salamat sa matatamis na salita,
Sa mga lihim at paniniwala,
Salamat sa plano at pangarap
Pakiramdam ko noon ako ay nasa alapaap.
Salamat sa pagbabahagi ng oras at sarili,
Salamat sa mabubuting bagay na di ko man masabi,
Salamat sa mga exciting na movie scripts at walang katumbas na moba natin,
Salamat sa pag-ibig na sana ay habang buhay ng naging akin.
Salamat ng walang kapantay.
IV
Sadyang lahat ng bagay ay may hangganan,
Nagtatapos din ng di mo inaasahan.
Tulad ng paru-paro sa puting puting nyebe,
Ang magtagal ay talagang impossible.
Walang araw kitang di iniisip, ano nga ba dapat kong gawin,
Ano nga ba ang dapat kong sabihin para loob mo'y palakasin,
Ngunit sa di inaasahang tadhanang aking sasapitin,
Sa pandinig at paningin mo, ako'y naging ingay at balakid din.
Sa isang matinding problemang sa ati'y sumubok lamang,
Sa isang iglap, nawala ako sayong kamalayan.
Parang ang pag-iral ko ay naging isang kasinungalingan.
Kathang isip mo lamang.
Ngayon, hayaan mo muna ang puso kong nabigo,
Hayaan mo muna akong mangarap muli ng buo.
Hayaan mong matanggap na minsan ikaw ay naging akin,
Ngunit di na talaga yata makakapiling.
Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ito.
Pero sa tingin ko ito ang makakabuti sa atin, lalo na sayo.
Bawas abala at alalahanin.
Para ang sakit sa isip at puso ay di na iindahin.
Ayaw kong madinig mula sa bibig mo ang sorry o paumanhin!
Ayaw kong dahilan mo, sa akin ay bibigkasin!
Sapat na sa akin na sa kabila ng kalusugan at kalagayan ko,
May isang taong naniwala, at minsan ay tinanggap ako.
Pakatatag kang parati.
V
Kung sakaling aksideteng sa hinaharap tayo ay magkita,
Ngiti mo sa akin ay wag mong ipagkait sinta.
Wag kang umiwas o mahiya sana,
Sa kwentuhan natin ikaw ay maging natural at masigla.
Kahit sa kaliit liitang pagkakataon, kung ako ma'y iyong habulin,
Malaman mong nagkamali ka at manghinayang ka sa relasyon natin,
Teka lang ha, illusyon ko lang to kc impossible yata talaga tonng mangyari,
Kasi kaligayahan mo ay aking nadadama kahit wala ako sayong piling.
Nawa ang naging relasyon natin ay wag mahaluan ng pintas at kasamaan,
Siguro, maaring temporary na kapaitan,
Pero sana ay iyong maintindihan.
Pasenya na di ko kayang sayo ngayon ay makipagkaibigan.
Nais kong mabatid mo,
Noong panahon na naging tayo,
Ako ay naging tunay, totoong totoo.
Walang iba kundi ikaw ang laman ng puso at isipan ko.
Dinggin mo nawa sana itong munting pakiusap ko.
Sa susunod kang pumasok sa relasyon kahit kanino,
Maging seryoso ka, tapat, at sincero.
Wag mo ng hayaang muli, tadhana natin ay masapit din nyo.
Ito nawa'y wag mo na sanang sagutin,
Para ang sugatang damdamin ko'y wag mo ng dagdagang pakirutin.
Ako'y mabilis mong malilimot din.
Tutal tayo'y nasa magkalayong lupain.
Mula noon, ngayon at magpakailanman, hangad ko at panalangin,
O Diyos nawa'y ikaw lubos pang pagpalain,
Manatili kang matatag sa lahat ng suliranin,
Kalusugan at career ay patuloy pagyabungin.
Kaya mula ngayon, habang kaya ko pa at ako ay nasa katinuan,
Desisyon ko nawa ay igalang,
Mahal na mahal kita.
Kahit ang sakit-sakit na.
Malaya ka na irog ko!
Paalam.
*All pictures are ctto.