Saturday, December 2, 2017

10 Payong Kaibigan kung Paano mo Dapat Tratuhin ang iyong mga Manliligaw


    Sa loob ng ilang taon, alam mo ba na mayroong humigit kumulang na 1578157615375981836187619861761872 na tao na brokenhearted. Syempre gago lang ang maniniwala dyan. Hindi tunay yang statistics na yan. hahaha Pero alam mo ba kung bakit maraming single. Tumpak! Kasi dahil sa mga nililigawan na sobrang magpahirap at napaka-paasa. Nagkakaroon naman ng isang relasyon kapag sinagot ng nililigawan ang nanliligaw. Pero dahil sa mga pahirap at kalabuang dinadanas ng mga lalaki, Marami ang natatakot o natotorpe o ayaw ng manligaw. Hindi naman sa lahat, pero karamihan ay nagiging ganito na beyond pakipot. Kelangan niyo kaming tratuhin ng maayus dahil hindi naman kami basta naghahayag ng damdamin kung kani-kanino. So mga kapatid eto yung payo ko sa inyo. 

       Oo nga pala. Yung mga sumusunod na bilang pagkatapos ng #1 eh para lang kung may nararamdaman ka or kapag confused ka pa sa nararamdaman mo para sa kanya. Kung wala kang nararamdaman, tapusin mo na kaagad ang paghihirap nung manliligaw mo. Wag mo ng ituloy basahin.



1. Be honest with your feeling. 


         Wag kang pahopya! Masarap ang hopya pero hindi sa lahat ng pagkakataon. If ayaw mo sa kanya, sabihin mo kaagad. If may nararamdaman ka naman, sabihin mo right away, pero tell him/her your conditions. And tell him or her to wait. Bigyan mo ng something concrete, kasi sabi ko sayo mahirap tumulay ng nakapiring sa bangin ng walang kasiguruhan. Wag mong landiin ang tubig sa ilog kung hindi ka naman lulusong! Tandaan mo, sya yung magiging future mong karelasyon. So part ng process yung mag kaintindihan kayo. kaya linawin mo na kaagad habang maaga. 

Image result for Hopya



2. Be reasonable. 


         Ipaliwanag mo ng maayus kung bakit mo ginagawa yung mga bagay-bagay. Kung mahal ka talaga nung tao, mauunawaan nya yun kahit gaano kahirap at kumplikado yung mga bagay bagay. Wag ka lang magsasabi ng "basta, tse, ewan ko sayo at bahala ka." Eh anu naman kung matagal kang karelasyon or bago ka sa ganitong relasyon. Hindi naman dahil nagkaroon na dati ay bihasa ka na. Sa bawat relasyon na sinisimulan mo, sumisibol ang bagong pag-ibig at pakikipagsapalaran ninyong 2 sa buhay. Ndi naman mauulit yung memories kasi magkaibang tao naman kayo at yung mga naging katipan niyo.



3. Communicate. 


brad pitt laughing GIF

         Ang relasyon ay kelangan patuloy na pagkakailanlan ng dalawang tao. Hindi lang yung isang side ang nakikinig. Give and take yan. Baka wala ng laway yung isa kakasalita, or naubusan na ng kwento, tse lang ang nasabi mo. Kung ayaw mo naman sya kausap dahil busy ka, sabihin mo. Wag mo din siyang i-seen. Masakit yung nag-aantay ka sa wala. Sabihin mo ng maayus na busy ka. Makakaunawa yun. Ndi naman kelangan maya’t maya kayo magkausap eh. Gusto lang nung malaman kung anu na ng aba ang nangyari sayo.




frustrated the office GIF4. Give some effort. 


         Ito ay kailangang kailangan lalo na kung malayo kayo sa isa’t-isa. May mga bagay na kelangan niyong isakripisyo. Pagod, puyat, pera, tulog, at oras kung gusto niyo talagang maging kayo o ituloy kung anong meron kayo. Kung panay ang tanggi mo sa mga paanyaya niya tulad ng paglabas niyo, magkikita kayo, o kahit yung simpleng tawag, Mahirap yan! Kelangan magbigay ka ng effort para ipakita mo na mahalaga din siya. 



5. Be considerate. 


Image result for first meeting


         Minsan kasi kahit di mo sabihin pero pag nakita mo, parang ang dami mo ng nasabi. Marami ng nangyari. Yung Makita ka lang nya, seryoso yun. Heaven ang pakiramdam! Korni na kung korni. Pero talagang may mga tao na kapag nakita mo nagbabago ang ihip ng hangin. Nakakagaan at nakakapawi ng pagod yun lalo na kung litong-lito na sya sa buhay nya. 


Image result for travel


         Ipadama mo na gusto mo ring maging parte sya ng buhay mo or ikaw ng buhay nya. Kapag may mga pangarap o lugar syang gustong marating sa buhay subukan mong sumama or kahit tagpuin mo lang kung around the area ka. Gusto niyang gumawa ng masasarap na ala-ala. Masabi niya sa sarili niya na magkasama naming tong narating, o dun kami nagpanagpo at kumain. Hindi matutumbasan ng pera at ng kahiht anong bagay pa sa mundo ang totoong saya na dulot ng matamis na ala-ala. Lalo na kung ang ala-ala niyo ay kayong dalawang magkasama.




6. Be a good listener. 


Image result for date         Wag kang magalit kung may mga rants at problema syang ibinabahagi sayo. It means malaki ang tiwala nya at respeto sayo. Nahinga lang sya or nahingi ng payo dahil kinikilala nya ang pang-unawa mo. Ndi lang yan basta drama. Humahagilap din naman sya ng lakas ng loob at kapal ng mukha para ipakita sayo ang kahinaan nya sa buhay.




7. Matuto kang magpahalaga. 


         Kapag nagregalo sya, wag mo naman basta tatanggihan lalo na kapag halos ang tagal ninyong pinalano. Sabihin mo na kaagad na wag kung ayaw mo or di mo kayang tanggapin. Kapag may ibinabahagi sya katulad ng mga sulat, tula, kwento, kanta, give time para pakinggan o basahin ito. Sobra-sobrang puspos siya ng kung kaninumang espiritu yun para makagawa ng isang obra at maihandog sayo. Pinagpawisan at binuhos niya din ang emosyon nya para matapos yun. 

Image result for Gift



8. Wag mo siyang sabihan ng "Kaibigan" mo lang siya. 




        Dapat maging specific kayo lalo na kung ligawan stage pa lang. Mahirap kasing magselos, umasa, magalit, atbp kung wala ka sa lugar. Kung wala kang karapatan. Ok lang naman maging magkaibigan ang turing niyo pero ndi ang nararamdaman ninyo.


9. Learn how to share. 


         Wag na wag kang maging selfish tungkol sa sarili mo. Halos naikwento na nung nanliligaw sayo yung tungkol sa sarili niya, pamilya niya, X, mga kaibigan, kaaway, nakasalubong na tao, panaginip, history ng mundo at Pilipinas, kung paano gumawa ng sinigang at adobo, kung paano tumubo ang munggo sa ilalim ng puno ng manggang kalabaw, kung paano umiikot ang pluto sa araw, kung bakit kailangan mong mag-statistic analyses sa bawat experiments mo, kung bakit matamis ang asukal, kung ano ang kinalaman ng hydrogen bonding sa pag-ibig niya para sayo, atbp. Pero siya walang alam sayo kundi trabaho mo, saan ka nagpunta, anong kinain mo. Dahil sa tipid mong magsalita o reply (kung text), hindi niya nga alam ang paborito mong kulay, paborito mong pagkain, lugar, pagkain at kung anu-ano pa. Ni hindi niya rin alam kung sino sino yung mga taong importante sayo, kung anong pangalan ng magulang, kapatid, at aso mo. Hoooooooy! Ang hirap kayang magsalita mag-isa. Try mong humarap sa pader tapos dun ka magkwento. Tingnan mo kung ano ang pakiramdam.

         Ang ligawan ay panahon upang makilala ninyo ang isa’t isa. Panahon kung saan niyo pinapanday ang tiwala sa isa't-isa. Hindi ito panahon ng makilala mo lang siya.



10. Wag kang matakot na magsabi ng “mahal kita” o aminin mo sa isang tao na mahal mo siya. 

Image result for mahal kita
        
         Hindi nakakabawas yun ng pagkatao. Sabihin mo yun habang may-oras pa. Base na rin sa sarili kong karanasan. Ayaw ko ng mangyari yung mga ganung bagay. Malay mo kasi kinabukasan, Huli na. wala na sya sa buhay mo or pag-aari nap ala sya ng iba. Hindi natin alam kung ano mangyayari sa atin kinabukasan. Baka puro pagsisisi lang ang magkakaroon tayo at nakakapanlumong panghihinayang. Tandaan mo din na hindi dahil sinabi mong mahal mo yung isang tao ay kayo na, sapagkat ang relasyon ay dapat isang pagkakaintindihan ng dalawang pusong nag-iibigan. So basically, kelangan mo syang sagutin. Note: wag mong sasabihin ang salitang ito lalo n akung awa lang ang nadarama mo para dun sa tao. It will be more disastrous. So balik ulit sa number 1 – Be honest with your feelings.


Kung may nanliligaw sayo ngayon, Umayos ka kaibigan. :)


(Dahil nabuburyong ako dito sa dami ng babasahin at trabaho sa akin lab, binisita kong muli itong aking blog para magbasa-basa. At dahil sa labis na katuwaan na nabibigkas ko ng malakas ang wikang tagalog, aksidente kong naisulat ang mga katagang naririto. Sana ay nagustuhan niyo. Oo nga pala. ***Pictures at video: ctto)

No comments:

Post a Comment